Monday, July 11, 2005
May panahon talagang may kakaibang pangyayari sa mundong ibabaw natin. Ung akala mong un na eh iba pala, may mga panlasa na nababago sa di inaasahang pagkakataon, may mga nadidiskubre kang di mo akalang meron pala.
1.) Natalo ang ust sa up bagamat lamang na ang uste buong laro nang sa di inaasahang pag-bugso ng damdamin ng mga up players eh nakashoot pa sila sa bandang katapusan ng laro. Buti na lang hindi nasayang ang mga banners ng mga taga up dahil nagamit pa nila ito nang lumamang ang up less than 1 minute sa 4th quarter
2.) Sa hindi ko malaman na rason ay nasabi ko sa aking kapatid na wala akong appeal (?). dahil dun, hindi nya napigilang tumawa ng tumawa. Di nya maisuot ang kanyang medyas dahil sa yanig na inabot nya sa kakatawa. Dahil rin dun ay hindi na nya tuluyang naisuot ang kanyang medyas dahil late na pala sya sa date nya.
3.) Kumain ako ng pizza na ang meat topping ay hipon. Mahal ko ang hipon pero hindi ko alam ang kinalaman nya sa pizza. Bakit? Bakit? Bakit? Napakapangit ng lasa. Pagdating ng dinner, ang ulam namin ay ginisang hipon :(
the origin.12:10 AM